ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Paolo Contis sa estranged wife na si Lian Paz: 'I'm happy for her, I'm happy na ok na siya'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kinumpirma ni Paolo Contis na inaasikaso na nila ng kanyang estranged wife  na si Lian Paz na mapawalang-bisa ang kanilang kasal. Apat na taon ding tumagal ang pagsasama ng dalawa na nagbunga ng dalawang supling. Ngunit ngayon, sinabi nina Paolo at Lian na panahon na para magkaroon na sila ng kani-kanilang buhay. Maayos naman daw ang paghihiwalay ng dalawa at napag-usapan na rin nila ang gagawing pagpapalaki sa kanilang mga anak kahit hindi na sila magkasama. Maaari naman daw puntahan ni Paolo ang mga bata na nasa poder ni Lian anumang oras. Basahin: Lian Paz answers rumored romance with Cebuano cager Dahil may kani-kanila na silang buhay, tumanggi na si Paolo na magsalita pa tungkol sa napapabalitang nakikipag-date na ngayon si Lian sa kababata nito na basketball player sa Cebu na si John Cabahug. "I'm happy for her, I'm happy na ok na siya," ayon kay Paolo. -- FRJ, GMA News