advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vilma Santos, mainit na sinalubong sa premiere night ng 'Ekstra'


Mainit na sinalubong ang Star for All Seasons na si Batangas Governor Vilma Santos sa gala night ng pinagbibidahang pelikula na "Ekstra (The Bit Player)" nitong Linggo sa Cultural Center of the Philippines. Ang naturang pelikula na mula sa direksyon ni Jeffrey Jeturian ang unang indie film ni Gov. Vilma na pasok sa Director's showcase category ng Cinemalaya 2013. "I just want to try the indie family and perfect vehicle is 'Ekstra' kasi it's something different," anang primyadong aktres sa ulat ni Aubrey Carampel sa Chika Minute portion ng “24 Oras” nitong Lunes. Bilang suporta, dumalo ang asawa ni Gov. Vilma na si Sen. Ralph Recto at ang mga anak nitong sina Ryan Christian Recto at Luis Manzano na kasama ang nobyang si Jennylyn Mercado. Naroon din sa premiere night ang co-star ni Vilma na si Cherie Gil. Nitong Lingo rin idinaos ang premiere night ng pelikulang "Babagwa: The Spider's Lair" ni  Jason Paul Laxamana at "Rekorder" ni Mikhail Red na kabilang sa New Breed category. Ang "Rekorder" ay pinagbibidahan ni Ronnie Quizon, Mike Lloren, Buboy Villar, Earl Ignacio, Suzette Ranillo, Lowell Conales, Archie Adamos, Abe Pagtama at Belinda Mariano. Dumalo sa screening ng naturang pelikula si Zsa Zsa Padilla bilang suporta sa anak ng kanyang yumaong partner na si Dolphy. Wika pa ni Ronnie, "Ituloy lang ang suporta nila sa pelikulang Pilipino lalo na 'yung mga independent films. Hindi ko naman gusto ipagyabang 'yung trabaho namin pero para kasi kailangan tulungan natin 'yung industriya." "As you can see, 'yung Cinemalaya ngayon maraming maganda talaga," dagdag pa nito. Ipinalabas naman noong Sabado ang pelikulang "Porno" ni  Adolfo Alix Jr. na kabilang din sa Director's showcase category. Idinaos naman nitong Lunes ang premiere night para sa pelikulang "Debosyon" ni Alvin B. Yapan at "Nuwebe" ni  Joseph Israel Laban. — Mac Macapendeg/KBK, GMA News
LOADING CONTENT