ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kilalanin ang mga bagong miyembro na maghahasik ng katatawanan sa 'Bubble Gang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kilalanin ang mga bagong maghahasik ng katatawan sa 'Bubble Gang' Narito na ang 10 bagong miyembro ng Bubble Gang na maghahasik ng katatawanan sa telebisyon. Kabilang sa mga bagong recruit ay isang teen star na seryoso sa drama, singer na kasama sa all-female trio, at isa pang lady singer na naka-duet ng rapper na si Gloc-9.   Si RJ Padilla, 24, ay mula sa pamilya ng mga artistang Padilla. Siya ay half brother ng isa pang sikat na teen actor na si Daniel Padilla, at pamangkin ng sikat na action star na si Robin Padilla. Kabilang siya sa cast ng morning light drama series sa GMA na "With A Smile." Kasama si Gloc-9, inawit ni Denise ang “Dapat Tama,” na siyang theme song ng elections advocacy campaign ng GMA News and Public Affairs. Si Jan Manual ay nakapasok sa industriya ng showbiz nang sumali siya sa talent search na “Starstruck Season 4.” Ngayon, kilala siya bilang Pacboy sa isang segment ng showbiz oriented talk show na “Startalk,” kung saan ginagaya niya ang “Pambansang Kamao” na si Manny Pacquiao.   Sinusubaybayan siya gabi-gabi bilang “Nina” sa primetime series na “Anna Karenina,” si Joyce Ching, Una siyang lumabas sa telebisyon nang sumali siya noon sa “Bubble Gang Jr.” Si Abel Estanislao ay isa ring theater actor at athlete. Sa katunayan, siya ay varsity player ng Judo sa University of the Philippines – Diliman. Napanood si Abel sa Sunday afternoon teen oriented show na “Teen Gen.” Kabilang si Maricris Garcia sa sikat na all-female trio na “La Diva” bagama’t isa rin siyang solo recording artist. Bukod sa pag-awit, umaarte rin sa telebisyon si Maricris at ngayon ay isang kontrabida sa afternoon soap na “Mga Basang Sisiw.” Hilig ni Roel Mendoza sumayaw at mag perform sa harap ng maraming tao. Ayon kay Roel, malaki ang naitulong ng kanyang pagiging isang theater actor para mahasa ang kanyang talento sa pag-arte at para lumakas ang kanyang confidence sa sarili. Si Arny Ross, 22, ay isa sa mga mapapalad na nakasali sa artista search ng GMA na “Protégé: The Battle for the Big Artista Break.” Si Juancho Trivino, 20, ay kabilang sa cast ng teen oriented show na “Teen Gen.” Sa entablado unang umarte si Nicole Borgonia at simula bata ay kinakitaan na ito ng talento sa pag-arte. Kaya naman hindi niya pinalampas ang pagkakataong mapabilang sa Final 10 ‘Bagong Gang’ members. -- GMANetwork.com

Tags: bubblegang,