We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Makalipas ang anim na taon, nakumpleto na rin ng RnB singer na si Kris Lawrence ang laman ng kanyang bagong album na may titulong "Spread The Love." Walo sa mga awitin sa 12-track album ay siya mismo ang sumulat. Sa press conference ng kanyang bagong album na "Spread The Love" na under GMA Records, sinabi ni Kris na 2007 pa niya sinimulang mag-ipon ng mga kanta para sa kanyang ikatlong album. "I've been writing since I got here in the Philippines and these are compilations since 2007. So lahat ng pinagdaanan kong situations since then, nandito," kwento ni Kris. Sa naturang 12-track album, walo rito ay isinulat mismo ni Kris tulad ng "Addict," "Try Again," at "Tell Me," "Sabihin Mo Naman," "Hindi na Matanggap," "Make Me Whole," (kasama ni Noah Zuniga) at "Yesterday" (kasama ni Vincent Bueno). Ang "Try Again" umano ang isa sa mga paboritong kanta ni Kris dahil bukod sa magandang mensahe nito, mabilis din niya itong naisulat. "It was the fastest song that I wrote. It took like 20-25 minutes for me to finish the song," ayon kay Kris. "And usually sa akin, pag gano'n kabilis, ibig sabihin it just flowed. So, pati yung messege is try again— kasi in life, parang you go through so many trials and you don't succeed all the time, you fall but the hardest part is getting back up." Patuloy pa ni Kris: "Kasi if you fall, parang nadurog na yung confidence mo, 'pag sumubok ka ulit may insecurity ka, you have this thing where [you think] 'what if I'm gonna fail again?' But you know, when you get out in the world, when you actually get back up. What I'm saying in the song is you have to forget about all of that and you just have to try again." Samantala, awitin namang "Nightmare" ay orihinal na isinulat umano para sa Canadian pop star na si Justin Bieber, habang ang "I'd Rather Be Alone" ay awiting pinasikat ni Bryant Woodard ng IV Example. "This is actually they're song [I'd Rather Be Alone]. They're the original people that sang it in the States and so I was given the honor of doing a duet with him," pagmamalaki ni Kris. Bieber song Matagal nang kilala ni Kris ang artist na si Andre Fortier, ang tao sa likod ng awiting "Nightmare." Mula pa noong college, magkasabay na sila ng kaibigan sa paggawa ng musika at nakasama pa niya sa isang grupo. Kaya naman nang sinimulan nito ang paggawa ng kanyang album, tinanong ni Kris ang kaibigan kung mayroon siyang kanta na pasok sa kanyang estilo. Kwento ni Kris, "When I was doing this album, I said: 'Hey! You have any songs that can shoot my way?' He's like: 'Yeah! I got this joint but we shot it to the Beiber already.' I was like, for real? Anong laban ko don, diba?" Patungkol niya sa isinulat ni Andre ang kantang "Nightmare" para kay Bieber. Ngunit dahil sa kagustuhan ni Kris na mapasama ang naturang awitin sa kanyang album, kinulit umano niya ang kaibigan hanggang sa mapapayag itong ipagamit sa kanya ang "Nightmare." "I kept telling him na gusto ko 'tong kanta na 'to but I gotta wait for the reply because that's big money their gonna give them," ayon kay Kris. "So I think sa sobrang kulit ko binigay na lang sa'kin." "I think my kulit-ness won," pahabol na biro ni Kris. Digital World Bagaman masaya si Kris para sa kanyang ikatlong studio album, tila hindi naman nito maiwasang mangamba sa pagbabago ng panahon lalo na sa industriya ng musika. Dahil digital na ang henerasyon ngayon, nangangamba siya na hindi na pumatok ang mga compact disc (CD) ngayon kumpara noon. Biro pa nito, "Kasi times are changing, it's all digital now. Sa bagong Macbook nga ,eh, wala ngang CD drive." Sa kabila nito, positibo pa rin ang pananaw ni Kris at umaasang tatanggapin at tatangkilikin ng mga mahilig sa musika ang kanyang bagong album. "Times are changing so physical sales, I'm scared [but] digital sales that's what I'm hoping for. Because we have social networking, social marketing now, and hopefully it spreads easier," ayon sa RnB singer. "That's actually an advantage because it spreads easier via the internet." Song for Baby Katrence Isinulat naman ni Kris ang awiting "Make Me Whole" para kay Lord at maging sa anak nila ni Kartina Halili na si Katrence. Kuwento pa rin ni Kris, "The song is about, I was wrong, I realized that I was wrong because I thought that we can do it on my own— without you I'm alone. It's actually a song that I wrote for the Lord but you can generalize it to my baby." "Kasi I always thought I was so happy, I always thought my life was fulfilled— I was wrong, because you know, once you have a kid that's fulfillment," patuloy niya. Kasabay nito, ibinalita ni Kris na maayos ang kalagayan ng baby nila ni Katrina na magdiriwang ng kaniyang unang kaarawan sa Setyembre. "She's good. She's healthy, ang tangkad niya, ang haba ng legs— thank God mana sa Mommy. She's gonna be having her first birthday next month," masayang kwento ng singer. Ibinahagi rin ni Kris ang mga pagbabago sa kanyang buhay mula nang dumating sa buhay nila ni Katrina si Katrence. Kung dati raw ay kayang lumabas ng singer ng magdamagan kasama ang mga kaibigan, ngayon ay hindi na. "Kung tutuusin mo, mahirap siyempre kasi you sacrifice your energy, you sacrifice your sleep but, you know, at the end of the day it's all worth it. When you see your baby's laugh, you forget everything," ani Kris. Dagdag pa nito, "You forget all your problems, you forget puyat ka. When you see the baby smile— that is probably the most fulfilling thing I've ever felt. That's love. That's the unconditional love that only parents will know." -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News