ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Cast ng 'Binoy Henyo,' masaya sa pagsikat ng 'kalma lang'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dinagsa at kinagiliwan ng mga tagahanga ang miyembro ng Kapuso family-oriented show na "Binoy Henyo" sa kanilang mall show na idinaos nitong weekend.
Kasama sa mga dumalo sina Angel Satsumi na gumaganap bilang si Len-Len at si David Remo na gumaganap bilang si Binoy na parehong umindak sa dance hit na "Gentleman" ng Korean pop sensation na si Psy.
Naroon din ang mga bida ng palabas na sina Luis Alandy, Sheena Halili, at Rich Asuncion.
Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa "Chika Minute" ng 24 Oras noong Lunes, taos-puso ang pasasalamat ng cast sa magandang pagtanggap ng mga manonood sa kanilang palabas lalo pa't nauuso na ang kilalang linya ni Binoy na "kalma lang."
Kwento pa ni Sheena, "Pagka may nakakita sa'kin, sinasabi nila sa'kin 'kalma lang.' So parang feeling ko talagang matatandaan ng tao. Ang sarap sarap ng feeling."
Wika naman ni Rich, "Magkaroon lang ng good vibes kasi kapag may problema ka, maso-solve din yan. So, kalma ka lang."
Gayundin, marami pang mga kaabang-abang na eksena sa "Binoy Henyo" na hindi dapat palamsin ng mga tagahanga. Nagkita na kasi ang mag-amang sina Binoy (David) at Francis (Luis Alandy).
Payo naman ni David sa mga kabataang tuald niya, "Sumunod sa magulang. Lagi po silang magdadasal." — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
Tags: binoyhenyo
More Videos
Most Popular