ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Michael V., humingi ng panalangin para sa kanyang paggaling dahil sa dengue
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Humingi ng panalangin ang Kapuso ace comedian na si Michael V. para sa kanyang paggaling sa sakit na dengue. Sa programa ni German "Kuya Germs" Moreno sa dzBB radio nitong Huwebes, sinabing idinaan ni Bitoy (palayaw ni Michael V), sa kanyang Twitter account ang paghingi ng panalangin para sa kanyang paggaling. Sa kanyang post sa Twitter account, ipinaalam ng komedyante na bumababa ang kanyang platelet counts dahil sa dengue. "Dear Friends & well wishers, this DENGUE is persistent. My Platelets are now down to 47k & it has made me very weak," nakasaad sa post ni Bitoy. Humingi rin siya ng pang-unawa kung hindi niya ma-accomodate ang mga bibisita sa kanya. Hindi naman nabanggit ni Michael V. kung saang ospital siya naka-confine at kung kailan o saan niya posibleng nakuha ang sakit. Pero sa isang post ni Bitoy noong Aug. 11, nabanggit na nito na masama ang kanyang pakiramdam dahil sa flu: "Hey guys. Hope you're enjoying the show. Kainis, I have a bad flu right now. Pero nood din habang may time." Kaugnay nito, bumuhos naman ang mensahe ng mga follower ng komedyante na naghahangad ng kanyang mabilis na paggaling. Ilan lang sa mga artista na tinamaan din ng dengue ay sina Pauleen Luna, Manilyn Reynes, Stevebn Silva, Edgar Allan Guzman, Buboy Villar, at mag-asawang Gian Magdangal at Sheree Nitong nakaraang buwan, iniulat ng Department of Health na umabot sa 4,042 dengue cases sa Metro Manila kung saan 10 sa mga pasyente ang pumanaw. Ang naturang datos na naitala mula Enero 1 hanggang Hulyo 13 ay mas mababa ng 68 porsiyento kung ikukumpara sa katulad na panahon noong 2012. Kadalasang tumataas ang bilang ng mga nagkakasakit ng dengue tuwing panahon ng tag-ulan. -- FRJimenez, GMA News More Videos
Most Popular