Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dingdong Dantes, itinanghal na Best Actor sa Gawad Tanglaw sa Sining ng Pelikula


Muling tumanggap ng parangal bilang Best Actor sa ika-11 Gawad Tanglaw sa Pelikula ang Kapuso leading man na si Dingdong Dantes. Ang pagkilala ay ibinigay kay Dingdong para sa kanyang pagganap sa pelikulang One More Try. Naka-tie ni Dingdong sa naturang parangal si Jerico Rosales para naman sa pelikulang Alagwa. Samantala, ang Superstar na si Nora Aunor ang kinilalang Best Actress para sa kanyang role sa indie movie na Thy Womb. Nakamit naman ng pelikulang Requieme ang Best Film at Best Director, habang ang cast nito na si Shamaine Buencamino ang itinanghal na Best Supporter Actress. Iniuwi naman ni Jun Lana ang Best Screenplay award para sa pelikulang Bwakaw. Iginawad naman kay Eddie Garcia ang Natatanging Gawad Tanglaw ng Pelikulang Pilipino. Habang Presidential Jury Awardee naman si Boots Anson-Roa. Itinuturing ni Dingdong na pambihira at espesyal ang natanggap na parangal dahil mga mag-aaral at taga-paaralan ang pumili ng mga nanalo. -- FRJ, GMA News