Filtered By: Showbiz
Showbiz

Cross-over ng mga paboritong tauhan sa Kapuso primetime series, magaganap simula sa Lunes


May panibagong aabangan ang mga Kapuso viewer ng GMA primetime series simula sa Lunes. Ito ay ang pagbisita o ang cross-over sa bawat programa ng ilan sa mga paboritong tauhan sa inaabangang mga teleserye.

Unang mapapanood sa Lunes, September 2, ang padalaw sa "My Husband's Lover" ng karakter sa "Mundo Mo'y Akin" na si Doña Charito (Jaclyn Jose).



Sa nasabing episode, mapapanood ang kuwela't mataray na karakter ni Doña Charito na kumare pala ni Elaine (Kuh Ledesma).

Makiki-chika si Doña Charito tungkol sa paghihiwalay nina Lally (Carla Abellana) at Vincent (Tom Rodriguez). -- FRJ, GMA News