ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lian Paz, bakit bumilib sa kanyang estranged husband na si Paolo Contis?


Sa Startalk TX nitong Sabado, inihayag ni Lian Paz ang paghanga sa estranged husband na si Paolo Contis dahil sa hindi pagpatol sa kanya nang mga sandaling sariwa pa ang sugat na idinulot ng kanilang paghihiwalay.   "Actually na-aapricate ko si Pao that part na hindi talaga niya ko pinatulan...hindi nga siya nagsasalita e, and dumating din yung time nawala din yung galit ko, dun kami nag-usap," pahayag ni Lian. Sa ngayon, nasa proseso na ng annulment ng kanilang kasal na si Paolo ang nag-aasikaso pero kapwa umano nila desisyon, ayon kay Lian. Masaya rin ang dalawa dahil bukod sa naayos na ang pangangalaga sa kanilang dalawang anak, may kanya-kanya na silang buhay. Pag-amin ni Lian, nasa "dating" stage siya ngayon pero hindi nito binanggit ang pangalan ng lalaki. Ibinisto rin niya na may bago nang pag-ibig si Paolo, bagay na ayaw namang ibahagi ng aktor. Maganda rin ang takbo ng kanilang career kung saan si Paolo ay naghahanda na sa kanyang bagong Kapuso series na "Katipunan," habang kasama naman si Lian sa "Prinsesa Ng Buhay Ko," na pagbibidahan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica. -- FRJimenez, GMA News