Jinri Park, iiwan na ba ang Philippine showbiz?
Matapos ang launching ng kaniyang ikalawang sexy photobook na may pamagat na "Jinri Experience 2," babalik sa kaniyang bansa ang sexy Korean star na si Jinri Park para ipagtuloy ang kaniyang acting career. Iiwan na nga kaya ni Jinri ang Pilipinas? Sa ulat ng GMA News TV's "Balitanghali" nitong Lunes, sinabing iiwan pansamantala ni Jinri ang Pilipinas para ipagpatuloy ang kaniyang acting career sa Korea. Ayon sa dalaga, nakatanggap siya ng alok mula sa isang management sa Korea. "I got an offer from Korea to train under a management so, I decided to, you know, let go of the things here for a while ang train under the Korean management because I wanna, like, work on my acting skills," pahayag ni Jinri, na lilipad sa Korea sa Oktubre. Basahin: Ang tipo ng lalaki na hanap ng sexy Korean star na si Jinri Park Kasalukuyang napapanood si Jinri sa GMA show na "Vampire Ang Daddy Ko" na pinagbibidahan ni Vic Sotto. Samantala, gaya ng inaasahan ay dinagsa ng mga tagahanga ang idinaos na autograph signing ni Jinri para sa sexy photobook na "Jinri Experience 2." Dahil sa pagiging conservative ng mga magulang, sinabi ni Jinri na hindi pa nakikita ng kaniyang pamilya ang panibago niyang sexy photobook. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News