advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards, 'spontaneous' sa pagrampa sa Cosmo Bachelor Bash


  Marka umano ng bahagyang pag-alis ng "sweet image" ang ginawang pagrampa sa Cosmopolitan Bachelor Bash ng Kapuso young actor na si Alden Richards  nitong Martes ng gabi sa World Trade Center sa Pasay City.   "Medyo alis-alis na tayo sa pa-sweet image po," pahayag ni Alden sa panayam ng GMA News.   Lumabas kasi ang aktor suot ang kanyang "nerdy look" hanggang sa unti-unti siyang hinubaran ng tatlong kasamang modelong babae hanggang sa itim na underwear na lang nito ang natira.   Kasunod nito ay binuhusan at ipinahid sa kaniyang katawan ng mga lady model ang oil.   "Parang spontaneous lang po kasi parang ako po kasi, minsan when I perform, parang wala, ang tagal [at] napatay 'yong audience ano kaya ang pwede kong gawin na gimmick parang ganon po ako," kwento ni Alden.   May masuwerte namang babae na pinaakyat at nakayakap kay Alden.  May pahabol pang pagpapakita ng kaunting likuran ang aktor bago tuluyang umalis sa stage na dahilan para muling magsigawan ang mga manonood.   "So on-the-spot po lahat 'yon except lang po sa part na binaba ko to [part ng brief] medyo pinlano ko na po sa ending," saad niya.   Patuloy pa nito, "Mas gusto ko lang po enjoyin [enjoy]. Kasi ang hirap po 'pag masyado ko pong inisip na finale tapos cover,  mas gusto ko pong isipin na chill lang."   Ito ang pangalawang pagkakataon na rumampa si Alden sa naturang event at tila ito kanyang pinaka-mapangahas na gimmick.    Samantala, naging istrikto naman si Alden sa kanyang pagkain bilang paghahanda sa event.   At dahil na rin sa kanyang busy schedule, wala na raw naging panahon ang aktor na mag-imbita ng bisita.   "Wala po akong time mag-invite so, hinayaan ko na lang 'yong PA [personal assistant] ko na mag-invite tapos may fans po na dumating," sambit ng aktor.   Gayunpaman, naroon ang ama ni Alden para sumuporta sa anak.   Napili si Alden na maging centerfold at coverboy ng "Cosmopolitan 69 Bachelors" ng Cosmopolitan magazine kasama ang bagong Kapuso actor na si Tom Rodriguez. -- MMapendeg/FRJ, GMA News
LOADING CONTENT