ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Girlfriend ni Freddie Aguilar, nagsalita na rin tungkol sa relasyon nila ng mang-aawit


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inamin ng 16-anyos na nobya ng mang-aawit na si Freddie Aguilar na nasasaktan siya sa mga kritisismo tungkol sa relasyon nila ng 60-anyos na legendary folk singer.

Sa naging panayam ng dzBB radio nitong Biyernes, sinabi ng dalagita na maalaga at kaagad na nahulog ang loob niya kay Freddie.

Basahin: Freddie Aguilar on 16-year-old girlfriend: 'Wala po akong inaagrabyadong tao'

"Tapos ang maganda dun, yung mga pagkakamali ko kino-correct niya palagi," kuwento ng dalagita na tinawag ni Freddie sa hiwalay na panayam na si Jovy, na nakilala niya sa Mindoro.



Ayon kay Jovy, kinalimutan na niya ang pagiging menor de edad niya dahil sa tingin niya ay handa na siyang lumagay sa tahimik.

Basahin: Freddie Aguilar at 16-anyos na nobya, pinayuhan ng arsobispo na ipagdasal ang kanilang relasyon

"Kinalimutan ko na yung pagiging sixteen kasi nandito na 'ko sa time na, yung buhay na settled na di ba? Na hindi ko na kailangan yung maraming kaibigan," paliwanag ng dalagita.

Idinagdag niya na may basbas ng kaniyang mga magulang ang pakikipagrelasyon niya kay Freddie pero may naging paalala rin naman sa kanya.

Basahin: Maegan Aguilar, ipinagtanggol ang ama na si Freddie Aguilar

"Sabi ng nanay ko, 'Eh di sige kung doon ka masaya eh di susuportahan ka namin.' Tapos 'yon sinabi na nila na, 'pero mag-ingat ka kasi maraming babae 'yan.'" kuwento niya.

Pero deklara ng dalagita, "Basta alam ko, mahal ko si Freddie."

Masakit daw sa kaniya ang mga kritisismo sa kanilang relasyon pero wala naman daw siyang magagawa sa pag-iisip ng ibang tao.

Iginiit din ni Freddie na wala siyang masamang intensiyon kay Jovy at ang mahalaga ay nagmamahalan sila. -- FRJimenez, GMA News