Filtered By: Showbiz
Showbiz

Luis Manzano, kinumpirma ang breakup nila ni Jennylyn Mercado


Kinumpirma ng aktor ni Luis Manzano ang mga lumalabas na ulat na hiwalay na sila ng Kapuso star na si Jennylyn Mercado. Kasabay nito, inihayag ng aktor na malabo na silang magkabalikan ng aktres na naging karelasyon niya ng halos dalawang taon.



Sa "StarBites" ng GMA News TV's Balitanghali nitong Huwebes, sinabing naging matipid si Luis sa pagsisiwalat sa dahilan ng kanilang hiwalayan ni Jennylyn.

"To some degree, I’m speaking on Jen's behalf already. Sa lahat ng mga naglalabasang issue, sa lahat ng naglalabasang pangalan, Jen and I know the truth kung bakit kami nagkahiwalay,” ayon sa aktor.

Basahin: Jennylyn Mercado, sinagot ang mga tanong sa balitang break na sila ni Luis Manzano

"Things happen for a reason. We just have to part ways," dagdag pa ni Luis.

Isa sa mga nadawit na pangalan sa hiwalayan nina Jennylyn at Luis, ay ang dating nobyo ng aktres na si Dennis Trillo.

Pero  nilinaw na ni Dennis na wala siyang kinalaman sa breakup nina Jennylyn at Luis, at maging nina Cristine Reyes at Derek Ramsey.

Naging dating nobya rin ni Dennis si Cristine. -- FRJ, GMA News
LOADING CONTENT