ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Freddie Aguilar, ipaglalaban ang relasyon sa 16-anyos na nobya sa kinakaharap na reklamo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ipaglalaban Ko: By Freddie Aguilar
Ikaw ang pag-asa
Nasa 'yo ang ligaya
Sa piling mo, sinta
Iyon ang pagdurusa
Madilim na kahapon
'Di ko na alintana
Dahil sa 'yo, sinta
Buhay ko ay nagbago
CHORUS
Anuman ang mangyari, 'di kita iiwan Ipaglalaban ko ang pag-ibig mo Ipaglalaban ko hanggang sa dulo ng mundo
Ang ating pag-ibig, giliw ko
[Repeat CHORUS]
Aanhin ko ang buhay
Kung hindi ka kapiling
Mabuti pang pumanaw
Kung hindi ka sa akin
[Repeat CHORUS twice]
Ipaglalaban ko hanggang sa dulo ng mundo
Ang ating pag-ibig, giliw ko.
Gaya ng titulo sa isa niyang awitin, inihayag ng legendary folk singer na si Freddie Aquilar na ipaglalaban niya ang relasyon nila ng 16-anyos na girlfriend.  Ito'y kaugnay sa reklamong "qualified seduction" na isinampa sa kaniya ng isang abogado.

"Parang yung kanta ko nga 'Ipaglalaban Ko.'  Parang natiyempo na...hindi ko naman ginawa yung kantang 'yon para sa  relasyon na ganito," paliwanag ni Freddie nang makapanayam ni Susan Enriquez na ipinalabas sa GMA news "24 Oras" nitong Huwebes.

Una rito, sinampahan ng reklamong qualified seduction sa piskalya ng Quezon City ang batikang mang-aawit dahil sa pag-amin na 16-anyos lang ang kaniyang nobya.
 
Sa panayam ng GMA News Online sa telepono, sinabi ng isang encoder ng Prosecutor's Office ng Quezon City na tumangging pabanggit ang pangalan, na ang reklamo laban sa 60-anyos na si Freddie ay isinampa ng isang Atty. Fernando Perito.
 
Napunta umano ang reklamo kay Fiscal Edgardo Saplala, dagdag ng encoder.

Unang umani ng mga kritisismo ang pag-amin ni Freddie sa pagkakaroon ng menor de edad nobya na isinama niya sa nakaraang Star Awards for Music kung saan tumanggap siya ng parangal.
 
Sa kabila ng mga batikos, nanindigan ang batikang mang-aawit na wala siyang masamang intensiyon sa nobya at iginiit na walang batas na nagbabawal sa tao na umibig sa isang mas bata o mas matanda.
 
Inamin naman ng dalagita na nasasaktan siya sa mga batikos sa relasyon nila ni Freddie na nakilala niya sa isang pagtatanghal nito sa Mindoro.
 
Sinabi rin ng babae na batid at suportado ng kaniyang magulang ang pakikipagrelasyon niya kay Freddie.



Sa ulat ng "24 Oras," sinabi ni Freddie na nananatiling matibay ang relasyon nila ng kasintahan na nakilala niya sa isang pagtitipon sa Mindoro.

Ikinuwento rin ni Freddie na nakausap na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kaniyang nobya at mga magulang nito.

Handa rin daw ang mang-aawit na humarap sa ahensiya kung kakailanganin.

"Malaya namang magtanong Susan. Siguro matapos nila akong tanungin, magtatanong din ako sa kanila," pahayag ni Freddie. -- FRJimenez, GMA News