ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Reklamong grave coercion na isinampa ni Sarah Lahbati, ibinasura ng piskalya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang kasong grave coercion na isinampa ng aktres na si Sarah Lahbati laban presidente ng GMA Network Films at limang iba pa.

Sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, sinabing nakasaad sa inilabas na resolusyon ni First Assistant City Prosecutor Meynardo Bautista, na walang nakita merito ng grave coercion sa reklamo ni Lahbati.

Dahil dito, inabsuwelto sa reklamo sina Atty Annette Gozon-Abrogar, presidente ng GMA Films; Michael Uycoco,  Albert Munoz, Arsenio Baltazar III, Shiela Buendia, at Andrew Dee.



Wala raw nakitang basehan sa reklamo ni Sarah na nakatanggap ito ng pagbabanta at harassment sa mga inireklamong tao nang tumanggi siyang pumirma ng kontrata sa kompanyang ICONS management.

Ayon sa resolusyon, walang pamimilit na naganap gaya ng alegasyon ni Sarah.

Ginamit naman daw ng aktres ang kaniyang free will sa hindi niya pagpirma sa kontrata.

Inaasahang magbibigay ng pahayag ngayong Biyernes ang abogado ni Sarah at maging si Atty Gozon-Abrogar, ayon sa ulat. -- FRJ, GMA News

Tags: sarahlahbati