ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

James Yap, nilinaw ang balitang pakakasalan na ang Italian girlfriend


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kasabay ng paglilinaw kung totoo ang napabalitang pakakasalan na niya ang Filipino-Italian girlfriend na si Mikaela Acazzola, inihayag ng basketball star na si James Yap na nais niyang magkaroon ng limang anak na puro lalaki.   Sa taped interview na ginawa ni Ricky Lo na ipinalabas sa Startalk TX nitong Sabado, nilinaw ni James na wala pang kasalan na magaganap sa kanila ng kaniyang kasintahan.   "Yung kasal naman Tito Ricky nandyan lang 'yan di ba. Ang mahalaga kasi kailangan kilalanin mo talaga kung maging okey ba kayong dalawa, o kung magsama kayo maging masaya ba kayong dalawa," paliwanag ng dating mister ng television host-actress Kris Aquino.   Base na rin sa kaniyang naging karanasan, sinabi ni James na natutunan niya na hindi dapat minamadali ang pagpapakasal.   Idinagdag ni James na hindi rin nila napag-uusapan pa ni Mikaela ang dream wedding.   "Gaya nga sinabi ko, hinay-hinay lang," aniya.   Nang tanungin kung ilan pa ang nais niyang maging anak, sinabi ni James na gusto pa niyang magkaroon ng limang anak na puro lalaki.   Kasabay nito, pinuri ni James ang pagiging maasikaso at maalagain sa kaniya ni Mikaela, at ang pagiging magiliw nito sa kaniyang pamilya.   Samantala, hindi pa naman daw nagkikita sina Mikaela at si Bimby, na anak niya kay Kris.   "Hindi pa," mabilis na tugon ni james nang tanungin ni Ricky kung nakilala na ito ni Mikaela.   "Kailangan talaga niyang makilala dahil anak ko 'yon di ba," dagdag ni James. -- FRJ, GMA News

Tags: jamesyap