ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ilang celebrities, nagpaabot ng mensahe ng pananalig sa harap ng pananalasa ng bagyong 'Yolanda'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakiisa ang ilang celebrities sa panalangin para manatiling ligtas ang mga Pinoy sa harap ng pananalasa ng bagyong "Yolanda."

Ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, nagsabing basta may mananalig sa Diyos, makakayanan ng mga Pinoy ang anumang sakuna, ayon sa ulat ng "Chika Minute" ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes.



Ang Tween star naman na si Bea Binene, nagpaalala na mahalagang maging alerto at alamin ang mga mahahalagang emergency numbers.

Ang American band na Match Box Twenty, na nakansela ang concert dahil sa bagyo, nagpaabot pa rin ng mensahe sa mga Pinoy na manatiling ligtas.

Ilang celebrities din ang nag-tweet at naghikayat sa mga kababayan na magpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo. -- FRJ, GMA News