ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ryzza Mae Dizon, pararangalan bilang ‘Golden Kid’ sa Baby and Family Expo Philippines 2013
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pararangalan si "Aling Maliit" Ryzza Mae Dizon bilang "Golden Kid" ngayong taon sa idaraos na Baby and Family Expo Philippines 2013 sa darating na Disyembre 7.
Kasama ni Ryzza Mae sa parangal bilang "Golden Kid" ang kanyang leading man sa pelikulang "Little Bossing" na si James “Bimby” Aquino Yap, ang anak ng itinaguriang Queen of all media na si Kris Aquino.
Nakilala si Ryzza Mae matapos koronahan bilang Little Miss Philippines 2012. Kasalukuyang napapanood ang child wonder sa kanyang sariling talk show na "The Ryzza Mae Show" at sa longest running noon time variety show na "Eat Bulaga!."
Samantala, kinilala rin ang "Picture! Picture!" host na si Ryan Agoncillo at ang asawa nitong si Judy Ann Santos gayundin ang kanilang mga anak na sina Johanna “Yohan Lois" at Juan Luis "Lucho" bilang "Golden Family of the Year."
Bibigyang parangal din ang mag-asawang Regine Tolentino at Lander Vera-Perez bilang "Golden Couple of the Year."
Magbibigay naman ng "Daddy 101" tips ang "Best Men" host na si RJ Ledesma sa naturang expo pati rin ang Starstruck avenger na si Jade Lopez tungkol sa "Right Start," isang advocacy talk.
Bukod pa rito, dadalo rin sa naturang event ang beauty queen turned actress Maria Isabel Lopez at MTRCB board member Gladys Reyes-Sommereux na magbebenta ng kanilang pre-loved items, kung saan mapupunta ang bahagi ng kanilang kita sa mga biktima ng bagyong Yolanda bilang donasyon. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
Tags: ryzzamaedizon
More Videos
Most Popular