ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Animal hoarder, trichotillomania: pag-uusapan sa pilot episode ng 'Out Of Control'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ang kuwento ng isang animal hoarder at ng babaeng may trichotillomania ang pag-uusapan sa pilot episode ng bagong Public Affairs show ng GMA Network na "Out Of Control" na mapapanood simula ngayong Nobyembre 23, Sabado.

"We feel it's time for a show like this that will explore and explain to our audience that these kinds of conditions are not because people are crazy or yong mali-mali," pahayag ni Karen Lumbo, Program Manager ng programa. "They're serious conditions that actually affect people's lives, their livelihoods, families, relationships, and hindi enough ang binibigay sa kanya na attention."

Pag-uusapan sa naturang palabas ang iba't ibang kundisyon na mayroong pagkahumaling sa isang bagay na maaaring dulot ng Obsessive–compulsive disorder na nakasasakit sa kanyang sarili at sa mga ginagalawan.

"We think it's funny, we think it's not serious but it is, and we don't understand the difficulty that the patients go through, kasi hindi nila mapigilan 'yon, e. Hindi niya lang mapigilan and yet people make fun of him," ani Lumbo.

Samantala, napili naman ang aktor na si Rocco Nacino at mamahayag na si Mariz Umali bilang host ng "Out Of Control."

Wika pa ni Lumbo, "We chose them for the show kasi we feel na they're credible, approachable, madali lang kausap, and they're also... Yong empathy nila sa ibang tao— Mariz has been a long time reporter and she also does a lot of human-interest stories."

Patuloy pa nito, "Si Rocco is a nurse whose people skills are also very good— they make people comfortable when you talk to them and that's very important for this kind of show, hindi ito 'yong hard-hitting investigative [show], it needs a lot of sensitivity and I think, they're really a good fit."

Mga paksa sa palabas

Sa pilot episode ng palabas, pag-uusapan ang kuwento ni Nanay Terry. Mayroon itong 35 na aso sa kaniyang tirahan na tinatrato niyang mga apo.

Ayon kay Rocco, na siyang host sa naturang segment, "It's a new experience para sa'kin kasi pagdating namin don, ang sumalubong sa'kin, tatlong Pitbulls, first floor pa lang 'yon, a, parang 'yong cages nila [maliit] tapos parang kasya-kasya na sila."

Kwento pa ng aktor, sa dami nang mga aso ni Nanay Terry ay maaaring makagat ang mga bibisita sa kanilang tirahan. Gayundin, hindi lamang sa unang palapag nakatira ang kanilang mga aso kundi maging sa ikalawang palapag.

Aniya, "Pag-akyat ko don— it was a different sight hindi katulad ng mga aso ko, 'yong mga alaga, diba?"

"Pag-akyat ko ang mga sumalubong sa'kin na aso ang papayat na makikita mo talaga 'yong ribs nila lumalabas na, sobrang papayat, tapos kalbo na sila, lahat sila madungis, lahat sila may scabs," dagdag nito. "Pero 'yong pagpakilala sa'kin ni Nanay Terry, very welcoming, ang turing niya kasi sa mga aso niya, parang apo nila kasi wala silang apo."

Samantala, ang paksa naman tungkol sa trichotillomania, isang kundisyon kung saan ang patuloy na hinihila ng isang tao ang kanyang buhok hanggang sa nagsusugat na ang kaniyang anit, ang tatalakayin ni Mariz.

Kwento pa ni Lumbo, "we're shooting someone, actually two case studies, who pull their hair when they're nervous hanggang sa magka-poknat. 'Yong akala nila makati, sa totoo lang it relaxes them when they pull their hair."

Ilan pa sa mga pag-uusapan sa simula nang palabas ay ang mga cutters, collectors, at ilang pang mga takot.

"Magaling po 'yong research team namin, masipag na maghanap, magtanong sa mga bara-baranggay— sa mga contacts nila sa ground. Masasabi ko lang pong napakagaling po nilang researchers," pagpuri ni Lumbo.

Resolusyon sa mga paksa

Hindi lamang itatampok ang mga maseselang paksa sa palabas. Gayunpaman, isa sa mga layunin ng palabas ang makapag-abot ng tulong sa mga taong may kundisyon.

Ayon pa kay Mariz, "We're doing advance interviews, kasi part of the program is to give help through treatment and counseling."

"Hindi siya puwede yong biglaan na kapag malapit na ang show, saka kami mag-interview kasi we also need to show sa program ang progress and development niya," patuloy ng kilalang mamahayag. "This is not intended to feature their conditions, higit doon sa feature is the awareness, understanding, and tulong na mabibigay na din to give them hope na meron pang pag-asa na mabago."

Bilang pagtulong, nagdadala ang programa ng mga eksperto na maaaring makatulong sa kanila sa pagtugon sa problema at kundisyon ng paksa.

"We ask persmission from them if they're willing to talk to these experts. Hindi kami pwedeng mag-intervene or to force upon them na itong tulong na gusto natin kasi what we're really trying to do is to help them, baka ma-worsen ang situation if we force something sa tao," saad ni Mariz.

Patuloy pa nito, "Of course, if we ask them and they don't agree we don't force them, we let them be."

Mapapanood ang "Out Of Control" tuwing Sabado simula ngayong Nobyembre 23 pagkatapos ng StarTalk TX. — DVM, GMA News