ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bagong bahay ni Mommy Dionisia Pacquiao, ipina-blessing


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa kabila ng kontrobersiya na kinakaharap ng pamilya Pacquiao tungkol sa pagbabayad ng buwis, naging masaya pa rin si Dionisia Pacquiao sa blessing ng kaniyang bagong bahay sa General Santos City.

Sa ulat ni Athena Imperial sa GMA news "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabi ni Mommy D. na walang magiging problema sa kaniyang bagong bahay dahil bayad umano ang mga buwis nito.

Hindi rin naman nawala ang sayawan matapos ang blessing at humataw sa ballroom dancing ang butihing ina ng Pinoy boxing icon at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.



Bagaman matipid na sa pagkokomento tungkol sa hinahabol na buwis ng Bureau of Internal Revenue kay Manny, may mensahe namang ibinigay si Mommy Dionisia sa ahensiya.

"Tigilan mo na ang sige na paghahabol na salita kasi may Panginoon baya sa'tin baka magalit ang Diyos," pahayag nito.

Umaabot sa P2.2 bilyon ang buwis (kasama ang interest) na hinahabol ng BIR kay Manny para sa mga taong 2008 at 2009. -- FRJimenez, GMA News