Cast ng 'My Husband's Lover,' pinagkaguluhan sa kanilang concert sa NY
Pinagkaguluhan ang cast members ng "My Husband's Lover" sa kanilang concert na ginanap sa New York City. Tuwang-tuwa ang fans nang personal nilang makita ang mga pangunahing bida ng programa.
Napuno ang Amazura Concert Hall ng mga kababayan para makita sina Carla Abella, Dennis Trillo at Tom Rodriguez. Marami ang kinilig sa tambalang "Tom-Den."
Nag-perform din sa concert sina Kuh Ledesma, Victor Basa, at Pancho Magno, ayon sa ulat ng GMA news "Saksi."
Mula sa New York, bumalik sa California ang cast kung saan naki-bonding naman sila sa mga supporters nila doon.
Muling magbibigay ng kasiyahan ang "MHL" cast sa mga kababayang Pinoy sa isa pang concert na gagawin sa Centinella Valley Performing Arts Center sa Lawdale California sa December 7. -- FRJ, GMA News