ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gretchen Barretto, mahal daw si Claudine kaya tumestigo sa korte


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tumestigo sa korte nitong Huwebes si Gretchen Barretto laban sa kanyang kapatid na si Claudine Barretto. Ito ay kaugnay sa hearing ng permanent protection order at custody case ng mag-asawang Claudine at Raymart Santiago.

Sa ulat ni Nelson Canlas sa GMA news "24 Oras," sinabi nito na kasama ni Gretchen sa korte ang kapatid na si JayJay. Samantala, dumalo rin sa pagdinig si Raymart kasama ang kuya na si Randy.

Matapos ang pagdinig, inamin ni Gretchen sa media na emosyonal ang naging pagdinig at magkakahalo ang kanyang naramdaman nang isalang siya sa cross examine ng korte.

"It was very emotional for me dahil kailangan pang balikan ang mga nightmare sa buhay namin pero kinakailangang gawin. I am hoping later on when Claudine is in a better stage she will be thankful," ayon kay Gretchen.



Sinabi pa ng aktres na dapat na ituloy umano ng kaniyang kapatid ang pagpapa-rehab para sa sarili nitong kapakanan.

Pero hindi idinetalye ni Gretchen kung saan at para saan ang binabanggit nitong rehab treatment ng kapatid.

"Mas gusto ko na nandito si Claudine dahil gusto ko malaman niya kung gaano ko siya kamahal at kung para saan ko ginagawa ito," aniya.

Sa kabila nito, sinabi ng aktres na mahal pa rin niya si Claudine.

"I love her will all my heart. Dahil kung hindi ko siya mahal wala ako rito," dagdag ng aktres.

Nakarating din daw kay Gretchen ang ginawang pagbabanta ng kanilang ama sa kanya at sa kapatid nitong si JayJay na babarilin kapag tumestigo sila sa korte.

Nakausap naman ng GMA News ang kanilang ina na si Gng. Inday Barretto at iginiit nito na walang katotohanan ang naturang pagbabanta.

Sinabi ng ginang na gumagawa lang ng istorya ang anak na si Gretchen.

Hindi naman nagbigay ng pahayag si Claudine pero nangako ang kaniyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio na  magbibigay ito ng pahayag. -- FRJ, GMA News