ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bagong look ni Rhian Ramos: ‘A new year, and I feel like a new me’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bagamat iba't ibang reaksyon ang natanggap ni Rhian Ramos sa kaniyang bagong hairdo na kulay blond with ash and radiant orchid, masaya ang aktres sa resulta ng kaniyang desisyon na magbago ng look para sa 2014.
 
Ayon pa sa aktres, "At first nanibago talaga sila. Tapos nong in-explain ko na guys, hindi naman siya permanent, natatanggal naman 'to. Puwede namang magbago ulit. It's a new year and I feel like a new me."
 
 
Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa "Chika Minute" ng "24 Oras" nitong Sabado, isa lamang ang pagbabago ng hairstyle sa maraming pang life goals ng aktres para sa taong 2014.
 
Paglilinaw naman nito, wala itong kinalaman sa hiwalayan nila ng dating kasintahan na si KC Montero. Sa katunayan, napapadalas pa ang paglabas nilang dalawa kamakailan.
 
 
Aniya, "I didn't really consider it broken because I'm keeping KC as a friend. I really enjoy his company and I enjoy having him around. He's still there for me and I'm still very much there for him."
 
Dagdag pa ni Rhian, "I'm not shutting the possiblity out. Kaso lang, for the next year or two, I'd like to be alone."
 
Sa ngayon, hindi na muna iniisip ng aktres ang love life dahil abala ito sa kaniyang bagong indie film kasama ang aktor na si Piolo Pascual. 
 
Kuwento pa nito, nagtatago ang kaniyang karakter sa mga pulis at tutulungan siya ng karakter ni Piolo.
 
"Marami akong first in this movie. It even has my first love scene... Sobra, sobrang kabado ako," batid ni Rhian. — KDM, GMA News
Tags: rhianramos