ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Isabel Oli, inaming napag-uusapan na nila John Prats ang kasal pero...
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inihayag ng Kapuso actress na si Isabel Oli na napag-uusapan na nila ng aktor na si John Prats ang future ng kanilang relasyon at kasama na rito ang paglagay sa tahimik.
Pero sa "Chika Minute" ni Luane Dy sa GMA news "24 Oras" nitong Huwebes, sinabi ni Isabel na bagaman napag-uusapan nila ni John ang kasal, hindi pa naman daw ito mangyayari ngayong taon.
"Definite not this year, yung kasal... Yes, pinag-uusapan namin. I can't say kung kailan pero sa ngayon parang feeling ko ready pero hindi ko pa talaga alam," anang bida sa Kapuso series na "Magkano Ba Ang Pag-ibig."
Dagdag pa ng aktres, maganda rin ang relasyon niya sa pamilya ni John, na kapatid ng Kapuso TV host-actress na si Camille Prats. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular