Ate Glow, ikakasal na sa British boyfriend; magpapalaki rin ng dibdib
Sasailalim sa cosmetic surgery para magpalaki ng dibdib ang kilalang bading na impersonator ni dating Pangulo at ngayo'y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na si "Ate Glow."
Sa "Startalk" nitong Sabado, sinabi ni Ate Glow, Rene Boy Faculna sa tunay na buhay, na sariling desisyon daw niya ang magpalaki ng dibdib.
Ang kilalang celebrity doctor na si Vicki Belo ang mag-aayos sa dibdib ni Ate Glow na gagawin sa susunod sa Martes.
Ang pagpapalaki ng dibdib ay bahagi rin daw ng paghahanda nito sa kasal nila ng kaniyang British boyfriend.
Pinili umano Ate Glow ang breast implant dahil mapanganib daw ang pag-inom ng hormones.
Nang tanungin kung gaano kalaki ang ipalalagay niyang dibdib.
"Ayoko naman ng masyadong malaking malaki, parang 'yong gusto ko lang yung kung ano lang yung akma sa aking katawan, cup B. Nakakaloko ang pinag-uusapan natin on national television di ba," natatawang pahayag ni Ate Glow. -- FRJ, GMA News