Mga anak ni Lorna Tolentino na si Renz at Rap, certified Kapuso na
Certified Kapuso na ang magkapatid na sina Rap at Renz Fernandez matapos pumirma ng exclusive contract sa GMA Network.
Saulat ni Luane Dy sa GMA News TV's "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing present sa contract signing sina GMA chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon; President and COO Gilberto Duavit Jr.; at SVP for Entertainment TV Lilybeth Rasonable.
Kasama naman ng magkapatid ang kanilang manager na si Malou Choa-Fagar.
Sina Rap at Renz ay mga anak ng batikang aktres na si Lorna Tolentino at yumaong aktor na si Rudy Fernandez.
Matapos ang pirmahan, kaagad daw tumawag si Lorna para batiin ang dalawa.
Napapanood ngayon si Renz sa DMA drama series na "Prinsesa ng Buhay Ko" kasama sina Kris Bernal at Aljur Abrenica.
Samantala, kabilang naman si Rap sa upcoming soap na "Innamorata," na pangungunahan nina Max Collins at Luis Alandy.
Labis naman ang pasasalamat ng magkapatid sa oportunidad na ipinagkaloob sa kanila ng GMA. -- FRJimenez, GMA News