ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Cedric Lee: 'Ikaw pa nagpalaki nito, binaliktad mo pa kami ngayon'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ang TV host-actor na si Vhong Navarro ang nagbaliktad ng totoong pangyayari ayon sa negosyanteng si Cedric Lee, ang itinukoy ng aktor na nambugbog sa kaniya.
Aniya, "Vhong, una nakikiusap ka na ayaw mong lumaki 'to dahil nahihiya ka sa anak mo at saka sa career mo, tapos, apparently, ikaw pa nagpalaki nito, binaliktad mo pa kami ngayon."
"A lot of your other victims told me and texted me— mga ibang kababaihan na nagpapasalamat sa'kin sa ginawa ko kay Vhong, ang they're now also contemplating coming out and filing charges against him also," patuloy nito sa ulat ng "QRT" nitong Lunes.
Gayundin,itinanggi ng kampo ni Deniece Cornejo, babaeng pinagtangkaan umano ng aktor, na set-up ang pangyayari noong Enero 22 sa kaniya at ng actor sa isang condominium sa Bonifacio Global City na pagmamay-ari ng dalaga.
Gayundin, nag-desisyon na ang dalaga na hindi magsampa ng kaso laban sa aktor ngunit nagbago na ang kaniyang isip.
Wika pa ni Deniece, "Hindi ko kailangang umiyak, humingi ng simpatiya ng maraming tao para maawa sa'kin. Kung meron mang biktima dito at inosente, ako 'yon at wala ng iba."
Gayundin, sinabi ni Cedric na naabutan nila ang tangkang panghahalay ng aktor sa dalaga. Kuwento pa nito, sumaklolo sila kay Deniece ngunit naglaban si Navarro kaya naman ito nauwi sa pisikalan.
"Hindi po kami ang naghubad sa kaniya, naabutan po namin siya na nakahubad at tinali lang po namin ang kamay niya sa likod dahil pilit niyang tumakas at pumapalag siya sa'min. Tinali rin namin 'yong paa niya para hindi siya makatakbo. Tumatawag kami ng maghahatid sa'min sa police station," pag-alala ni Cedric.
Dagdag pa nito, "Sumusuntok din siya pabalik kaya kailangan naming upakan, kaya nabasag mukha niya ng ganon." Basahin: Vhong Navarro's camp denies alleged rape attempt
Ayon naman sa ulat ni Sandra Aguinaldo sa "24 Oras" nitong Lunes, kasamang dumating ni Cedric ang kapatid ng dalaga na si Bernice Cornejo. Pumunta umano sila sa condominium ni Deniece dahil may lakad sila noong araw nai yon.
Aniya, "By the time we got there to pick her up at around 10:30 to 10:45, when we reached the second floor, by the time we approached the door of her condo, may naririnig kaming sigaw sa loob. We thought na nag-aaway lang so we opened the door. Fortunately, it was not locked... Dumiretso kami sa bedroon kasi yong bedroom walang pintuan, kurtina lang."
Gayundin, kasama rin daw ng kanilang grupo si Zimmer Raz, isang martial arts expert. Bukod pa rito, pinag-iisipan ni Lee kung kakasuhan niya ang aktor ng reklamong libel.
Paglilinaw pa nito, pamilyado na raw siya at wala silang relasyon ni Deniece.
Giit naman ng kampo ni Vhong, ang aktor ang biktima sa naturang insidente. — Mac Macapendeg/JDS, GMA News
More Videos
Most Popular