Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jennylyn Mercado, na-sting ng jellyfish sa taping ng 'Rhodora X'


Namula at nagmarka ang sting na tinamo mula sa jellyfish ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado na nangyari sa taping ng bagong Kapuso primetime series na "Rhodora X."

Sa ulat ni Aubrey Carampel sa "Chika Minute" ng GMA news "24 Oras" nitong Lunes, sinabing kinunan ginawa ang taping sa isang yacht club sa Subic.

Sa footage, makikitang nasa tubig si Jennylyn matapos mahulog ang kaniyang karakter sa yate. Agad naman siyang sinaklolohan ng karakter na ginagampanan ni Mark Herras.



Matapos kunan ang eksena at umahon sa tubig, doon na nakita ang tinamong sting ni Jennylyn sa braso mula sa hindi natukoy na uri ng jellyfish.

Namula at nagmarka ang bahagi ng kanyang braso, kaya agad itong dinampian ng yelo.

Hindi naman na-sting ng jellyfish si Mark dahil naka-long sleeves ito nang kunan ang eksena.

Nang i-post ni Jennylyn sa Instagram ang larawan na nagpapakita ng pamumula ng kanyang braso, nag-alala ang kaniyang mga fans.

Kwento ni Mark, kumapit  kay Jennylyn ang jellyfish at naipit sa bandang kili-kili ng aktres.
Sa kabilang ng nangyari, tuloy naman sa kanilang trabaho ang dalawa.

Nakisaya rin sila Kapuso Night sa Iloilo kung saan nakasama nina Mark at Jennylyn sina Yasmien Kurdi at Kapuso primetime king na si Dingdong Dantes. -- FRJimenez, GMA News

LOADING CONTENT