ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Kim at Kristoffer, inaming may limitasyon sila sa 'Paraiso Ko'y Ikaw'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang episode pa lamang ang ipinapalabas ng Paraiso Ko’y Ikaw, pero sunod-sunod na ang magagandang feedback na natatanggap nito. Nararamdaman na ang pananabik ng mga manonood sa paglabas ng karakter nina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez.
Bagamat aminado sina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez na magaan ang kanilang mga eksena sa Paraiso Ko’y Ikaw dahil nagkatrabaho na sila sa Kakambal ni Eliana, hindi pa rin maalis sa kanilang dalawa ang nararamdaman nilang pressure. Kuwento nila, ito ay nagsisilbing motivation sa kanilang pagganap.
“Siyempre pag nape-pressure ka, mas lalo naming ginagalingan,” pahayag ni Kim.
Dahil ni-require silang magpaganda ng katawan, hanggang saan nga ba ang kaya nilang ipakita sa mga manonood?
“May limitations pa rin. Siyempre, 'di pa naman kami totally full grown adults 'di ba? So siyempre may limitations pa din. 19 siya [si Kim], 19 din ako. Siguro magfo-focus lang kami sa story itself,” pahayag ni Kristoffer.
Dagdag ni Kim, “Siguro po magpapakita ng skin, pero konti lang. Hindi yung daring na.”
Abangan sina Kim Rodriguez at Kristoffer Martin sa kanilang pagganap bilang Josephine at Tupe sa Paraiso Ko’y Ikaw. -- Maine Aquino, GMANetwork.com
Tags: paraisokoyikaw
More Videos
Most Popular