ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Drew Arellano at Iya Villania, kasal na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Drew Arrellano and Iya Villania wedding..Photo by Rey Ochavez
Matapos ang mahigit siyam na taong relasyon, ikinasal na nitong Biyernes ang Kapuso host na si Drew Arellano sa kaniyang nobyang si Iya Villania.

Ginanap ang private wedding nitong Biyernes sa Batangas na dinaluhan ng kanilang mga kaanak at malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Drew Arrellano and Iya Villania wedding...Photo by Rey Ochavez

Dahil umabot na sa siyam na taon ang kanilang relasyon, laging natatanong noon sina Drew at Iya kung kailan sila lalagay sa tahimik.

Drew and Iya with friends...Photo by Rey Ochavez

Unang nagkakilala at nagkatambal ang dalawa sa dating Kapuso teen show na "Click."

Kasalukuyang napapanood si Drew sa GMA News TV, ang Biyahe Ni Drew at AHA!. -- FRJ, GMA News,