Filtered By: Showbiz
Showbiz

Tado, malaking kawalan sa industriya -- RJ Ledesma


Naglabas ng pahayag ang grupong Dakila nitong Sabado kaugnay sa dahilan ng pagtungo ni Arvin "Tado" Jimenez sa Bontoc, Mountain Province, na nauwi sa trahediya nang mahulog sa bangin ang bus na kaniyang sinasakyan nitong Biyernes ng umaga.

"Tado had been working on a series of travel-themed video projects titled “40 Mountains”, another one of his many advocacies for the environment," ayon sa pahayag ng Dakila– Philippine Collective for Modern Heroism.

Basahin: Arvin 'Tado' Jimenez, galing sa hirap at nagsikap upang bumuti ang buhay

Kabilang si Tado sa mga nagtatag ng Dakila, isang grupo na nagsusulong ng social transformation. Kasamang nagtatag sa samahan noong 2005 sina Lourd de Veyra, Noel Cabangon, Buwi Meneses, at Ronnie Lazaro.

Nasawi si Tado, kasama ang 13 iba pang sakay ng Florida bus nang mawalan ng preno ang sasakyan at mahulog sa bangin na may hanggang 120 metro ang lalim.  Nasaktan naman ang 32 iba pang pasahero ng bus sa naturang sakuna.

"His thought-provoking lines, witty commentary and signature style commanded the attention and rebellion of the public that sought for alternative heroes. His ideas, bordering from the insanely absurd to downright brilliant, spawned outstanding works that continue to influence this generation," pag-alaala ng grupo sa komedyante.
 
"The untimely demise of Tado will truly leave a great void in the hearts of his family, friends, colleagues, comrades, fans, his fellow Marikenos, the art and culture community, and the Philippine social movement," dagdag pa niya.

Buhos ng pakikiramay

Samantala, kasabay ng pagbuhos ng pakikiramay sa mga naulila ni Tado, nagpahayag din ng kalungkutan ang komedyanteng si Ramon Bautista na kaibigan at nakatrabaho ng namayapang aktor.
 
Ayon kay Ramon, si Tado ang kaniyang naging inspirasyon para magsulat ng libro.

 
Sa kabila ng pagdadalamhati ay nagbiro si Ramon sa isang post niya sa Twitter na: @ramonbautista: "Pre, alam ko ayos ka lang dyan sa kabila. Isa lang masasabi ko... sana wag mo akong multuhin."
 
Para naman sa TV host at businessman na si RJ Ledesma, malaking kawalan sa indusriya si Tado na may kakaiba raw paraan ng pagho-host at pagpapatawa.
 
Nagpasalamat naman ang pamilya at mga kaibigan ni Tado sa lahat ng nagpapaabot ng pakikiramay sa kanila.
 
Narito ang pahayag ng pamilya at kaibigan ni Tado:

"We would like to express our gratitude for your words of comfort at this difficult time and for sharing your memories of our beloved Tado.

"The remains of Tado is now being transported from Bontoc to Manila. We will be announcing details of his wake as soon as arrangements are finalized. Kindly bear with us as we mourn privately for our loss." -- Rie Takumi/FRJimenez, GMA News
Tags: tadojimenez
LOADING CONTENT