Regine, emosyonal sa inalay na kanta para sa ama sa Valentine’s Day concert
Naging emosyonal ang Asia's Songbird nang mag-alay ito ng kanta para sa namayapang ama na si Mang Gerry sa idinaos na Valentine's Day concert na "Voices Of Love" kasama si Martin Nievera kamakailan sa SM Mall Of Asia Arena. Ayon sa report ni Nelson Canlas sa "Balitanghali" nitong Lunes, ilang linya lamang sa awiting "You" ng The Carpenters ang kinanta ni Regine bago bumuhos ang kaniyang luha. Sa huli naman, ipinilit pa rin nitong tapusin ang kantang "The Leader Of The Band" bilang alay din sa namayapang ama. "I was really trying not to cry, I just kept saying na 'Holy spirit, please be with me' so I can get through the song. Kasi I wanted to sing it for him," ani Regine. Dumalo naman sa naturang concert sina Sharon Cuneta kasama ang awasa nitong si Francis Pangilinan, Richard Gomez, at Arnel Pineda. Mapapanood ang "Voices Of Love" ngayong Linggo sa Sunday Night Box Office sa GMA Network. — Mac Macapendeg/BM, GMA News