ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jolina Magdangal at Mark Escueta, hands on kay baby Pele Iñigo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Masayang ibinida ng mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta ang kanilang bagong silang na sanggol na si Pele Iñigo, na isinilang nitong Martes sa Asian Hospital sa pamamagitan ng caesarean operation.
 
Wika pa ni Jolina sa ulat ng "News To Go" nitong Huwebes, gusto nilang maging hands on sa kanilang baby upang matunghayan ang developments sa paglaki ng kanilang unang anak.
 
 
"Gusto namin talagang tutukan siya at masubaybayan bawat paglaki niya," pahayag ni Jolina na nagpapa-breast feed daw kay Baby Pele para matiyak na magiging malusog ito.
 
"Lalo na 'pag baby, mabilis lang daw talaga kaya gusto namin [makita] lahat ng mga developments niya," ani Jolina. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News