ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera, pinangunahan ang pamamahagi ng mga bangka sa mga mangingisda sa Bantayan, Cebu


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bumisita ang Kapuso Primetime Quezon na si Marian Rivera sa Bantayan Island sa Cebu para pangunahan ang pag-turnover ng mga bangka ng ginawa para sa mga nasalanta ng bagyong "Yolanda."

Ang 100 bangka na ipinamahagi ay bunga ng Kapuso Adopt-A-Bangka project kung saan napiling ambassadress si Marian.

Ang mga bangka ay tulong para sa pagbangon ng mga mangingisdang nawalan ng kabuhayan matapos bagyuhin.



Nagkaloob din ang Kapuso Network ng P300,000 pondo sa Bantayan Back to Sea project para magamit sa pagpapagawa ng mga karagdagan pang bangka.

Hinikayat ni Marian, bida sa primetime series na "Carmela," ang mga beneficiary ng proyekto na huwag mawalan ng pag-asa at pagmamahalan sa kabila ng mga pinagdadaanang pagsubok.
 
"Nagpapasalamat kami sa lahat ng nagdonate para maging posible at maibigay namin ito [mga bangka] sa mga nangangailangan dito sa Bantayan," ayon kay Marian. -- FRJimenez, GMA News