ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Mark Herras, umaming may tatlong-buwang anak na
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inamin ng "Rhodora X" star na si Mark Herras na isa na siyang ama. Sa panayam nito sa StarTalk nitong Linggo, ipinagmalaki ng aktor ang kaniyang tatlong-buwang gulang na si Ada at ang mga gagawin nito para sa anak.
MARK HERRAS: Meron na po akong anak. She's a girl, three months old po ang baby ko. #STARTALK
— Startalk (@Startalk_GMA7) Ayon pa sa aktor, "I’m very proud of Ada dahil siya po ang aking first baby girl. Kaya po ako umaamin ngayon sa harap ng maraming tao, sa studio, sa TV, sa media para po matigil na yung kakatanong nila sa akin tungkol sa baby. "
Samantala, naging magulo raw ang isip ni Mark noong nakaraan. Kaya naman, hindi rin nito inamin agad sa publiko ang tungkol sa kaniyang anak.
Aniya, "Sa totoo lang po magulo ang isip ko, naging pasaway ako, naging magulo yung buhay ko. Pero naalala ko yung pagmamahal ng magulang ko na binigay sa akin at narealize ko na wala akong obligasyon kundi i-pass on ang love na ito kay Ada."
Gayundin, iginiit ni Mark na hindi ang pagkakaroon nito ng anak ang dahilan ng hiwalayan nila ng dating kasintahan na si Ynna Asistio, ang anak ni Nadia Montenegro at Boy Asistio.
MARK itinangging ang pagkakaroon ng baby ang dahilan ng paghihiwalay nila ni YNNA Asistio #startalk
— Startalk (@Startalk_GMA7) February 23, 2014 Bukod pa rito, humingi na raw siya ng paumanhin sa dating kasintahan at sa pamilya nito dahil sa kasalanang ginawa. Nagkaroon kasi ito ng ibang babae, na siyang ina ng anak ni Mark.
"Alam ko ang pagkakamali ko. I said sorry to her, to her family. Alam ko ang nagawa kong mali. Alam kong malaking kasalanan ang nagawa ko. Pero nand’yan na ang baby. Hindi ko naman pwedeng sabihin na kalimutan ko ‘yong baby, piliin ko sila ‘di ba," pahayag ni Mark.
Dagdag pa nito, "Sobrang-sobrang sorry po sa nagawa kong kasalanan sa inyo. Hindi ko po gustong saktan ang anak niyo, yong pamilya niyo. Pero hindi ko na po kasi maitago si Ada."
Samantala, nabanggit naman ni Mark na mahihirapan si Ada na magkaroon ng boyfriend dahil magiging mahigpit siya. Gayundin, nangako rin tio na susuportahan niya ang kaniyang baby girl hanggang sa paglaki nito.
Aniya, "Ada, I’m so sorry kung natagalan kitang aminin sa lahat ng tao. Pero I promise you and to your mom na I'll be there always to support you sa lahat ng bagay hanggang sa paglaki mo, hanggang sa mag-aral ka na."
Gayunpaman, hindi pa raw nila napag-uusapan ng ina ni Ada kung anong mangyayari sa kanilang relasyon dahil nasa kanilang anak daw ang kanilang prayoridad.
"Ang napag-usapan talaga namin ngayon it's all about our baby. The future of the baby. Ang plano ko is to be the best dad, to be the best daddy for my Ada," batid ni Mark.
Ilang minuto naman matapos umamin ang aktor na isa ng siyang ama, naging trending topic sa micro-blogging site na Twitter ang#ProudOfYouMark at Mark Herras. — Mac Macapendeg/KDM, GMA News
Tags: markherras, rhodorax
More Videos
Most Popular