Kristine Hermosa, ipinagbubuntis sa ikatlong anak nila Oyo Boy Sotto
Inanunsiyo ng aktor na si Oyo Boy Sotto na buntis muli ang asawa nito na si Kristine Hermosa.
Sa Instagram account ng aktor, nagpost ito ng litrato ng ultrasound ng ikatlong anak nila ni Kristine na anim na linggo na sa kaniyang sinapupunan ng aktres, ayon sa ulat ng Balitanghali.
Sa caption ng naturang litrato, nagpasalamat si Oyo Boy sa biyayang ipinagkaloob sa kanilang mag-asawa.
Aniya, "Thank you Lord for this wonderful blessing! We just want to share our short beautiful story of how amazing God is.. When 2014 started, we believed God for so many things.."
Ayon pa ng aktor, dininig ng Panginoon ang panalangin nilang mag-asawa sa kabila ng kondisyon ng aktres na pagkaroon ng policystic ovaries."
"One of those is to have another baby WITHOUT having to take any medication since Tin has policystic ovaries. And now, God answered one of our top prayers...To have another baby. Tin is now on her 6th week!!!!! With NO signs of policystic ovaries! We are witnesses of how powerful prayers are. God hears them," pahayag ni Oyo sa kaniyang Instagram account. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News