Former sexy star now chef Aya Medel: 'Hindi talaga easy yung buhay'
May iba nang career ngayon ang dating sexy star na si Aya Medel. Kung noong late 90's ay nagpaka-daring siya sa mga pelikula, ngayon ay isa na siyang ganap na chef.
Sa "Starbites" ng GMA News TV's "Balitanghali" nitong Miyerkules, ikinuwento ni Aya na mahilig siyang magluto kaya pumasok siya sa culinary school.
Ang kaniya raw anak na si Shania Ishi ang naging inspirasyon ng dating sexy star sa pagluluto.
Basahin: Aya Medel: Sex symbol noon, Chef Aya na ngayon
Sa susunod na buwan, bubuksan ni chef Aya ng sarili niyang restaurant sa Tabaco city, Albay.
"Keep the hope, the fight," payo ni Aya. "Kasi hindi talaga easy yung buhay, rocky road talaga siya, up and down. Pero kapag nandun talaga ang puso mo, determinasyon mo, kaya mo."
Hiwalay si Aya sa kaniyang Japanese husband na si Yoji Hayukawa. Pero kahit hiwalay na sila ni Yoji, nanatili naman daw silang magkaibigan at nagtutulungan para sa kanilang anak. -- FRJimenez, GMA News