ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pilot episode ng 'Kambal Sirena,' tinutukan; nag-trend pa sa Twitter


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinag-usapan sa social media at nag-trend sa Twitter ang pilot episode ng "Kambal Sirena" nitong Lunes ng gabi. Inaabangan na rin ang paglabas ng mga batang sina Perlas at Alona, na ginampanan ng child star na si Hershey Garcia.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa "Chika Minute" ng GMA news "24 Oras" nitong Martes, sinabing naging malaking tagumpay ang pilot telecast ng bagong Kapuso primetime series.

Pinag-usapan ito sa social media at marami ang pumuri sa ganda ng istorya at pagkakagawa ng mga eksena, lalo na ang effects.



Inaabangan na ang paglabas ng mga batang Perlas at Alona na ginampanan ng walong-taong-gulang na si Hershey, na napanood na rin ibang GMA soap tulad ng "Mga Basang Sisiw," "Magic Palayok," "Mariposa" at "Indio."

Ayon sa batang "Kambal Sirena," hindi raw biro ang pagsasanay na kaniyang pinagdaanan para matutong lumangoy at sumisid.

"Hindi po kasi ako sanay 'pag dagat, tapos po hindi ako masyadong nagsu-swimming. So umiiyak po talaga ko 'pag ayaw ko," kwento ng batang aktres.

Ang diving instructor-trainer at underwater director ng "Kambal Sirena" na si Jess Lapid, Jr., gumamit daw ng technique sa pagtuturo kay Hershey.

"Kasi sa pagtuturo ng bata kailangan sabayan mo yung pagiging bata niya. Iyon, so laro-laro lang kami, paliwanag ni Jess.

Ngayon marunong na siyang sumisid at lumangoy, gustong-gusto raw ni Hershey ang ilalim ng dagat.
 
Kwento ng bata, para silang namamasyal sa ilalim ng dagat at marami silang nakikita tulad ng mga purple corals, at mga isda katulad clownfish na si 'Nemo.' -- FRJ, GMA News

Tags: kambalsirena