ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Miriam Quiambao, abala na sa paghahanda sa kanyang kasal


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Abala na si 1999 Miss Universe 1st runner-up Miriam Quiambao sa nalalapit niyang kasal sa negosyanteng nobyo.

Sa "Chika Minute" ng GMA news "24 Oras Weekend," inihayag ni Miriam na  si Eduardo Ardy Roberto Jr., ang sagot sa kanyang mga panalangin.



White gown daw ang isusuot ni Miriam sa kanilang garden wedding.

Matapos ang kasal, gusto nina Miriam at Ardy na mag-travel.  Pero sa ngayon, wala pa raw silang balak magka-baby.

Bago nito, naunang ikinasal si Miriam sa Italyanong si Claudio Rondinelli noong 2004 pero nauwi ito sa divorce. -- FRJimenez, GMA News