Carla Abellana, nagsalita sa Kylie-Aljur-Geoff 'issue'
Kamakailan lang ay inamin ni Carla Abellana na may pinagdadaan ang relasyon nila ng nobyong si Geoff Eigennman. Kasama kaya rito si Kylie Padilla, na ayon sa nobyo nitong si Aljur Abrenica ay pinormahan daw ni Geoff?
Sa nakaraang panayam kay Carla, inamin ng aktres na nagkakaproblema rin sila ni Geoff pero ginagawan daw nila ito ng paraan para maresolba at nang hindi masayang kanilang mga sakripisyo.
Pero tila lumaki ang isyu nang ihayag ni Aljur nitong Lunes na nag-flirt umano si Geoff sa kaniyang nobyang si Kylie nang magkasama ang dalawa sa katatapos lang na primetime series na "Adarna."
Hindi itinago ng Kapuso hunk ang inis na para sa kaniyang ay pagpapakita raw ng kawalan ng respeto. (Basahin: Aljur Abrenica rants about respect)
Gayunman, sinabi ni Aljur na nagkausap na sila ni Geoff at nanatili silang magkaibigan.
Habang ang relasyon nila ni Kylie, lalo raw tumatag matapos ang nasabing insidente. (Basahin: Kylie, aminadong nagseselos sa bagong ka-love team ni Aljur na si Louise pero... )
Sa ulat ni Lhar Santiago sa "Chika Minute" ng GMA news "24 Oras" nitong Martes, hiningan nito ng pahayag si Carla kung si Kylie nga ba ang pinag-awayan nila noon ni Geoff.
Pero paglilinaw ng aktres, hindi si Kylie ang dahilan ng sinasabi niya noong naging problema nila ng nobyo. (Basahin: Carla Abellana admits relationship problem with bf Geoff Eigenmann)
Mabait daw sa kanila ni Geoff sina Kylie at Aljur kaya hindi niya iniisapan iyon ng masama.
Nagkausap na rin daw sila ni Geoff at itinanggi nito ang isyu tungkol kay Kylie.
"Hindi ko alam yung isyu eh. Sabi ko naman kay Geoff, 'what was that?' It was nothing, sabi niyang gano'n," kwento ni Carla na busy sa movie nila ni Tom Rodriguez na "So It's You."
Dagdag ni Carla, wala siyang plano na kausapin si Aljur at wala rin daw magbabago sa kanilang pagtitinginan.
"If i see him [Aljur], normal pa rin," aniya.
Tiniyak din ni Carla na present siya sa birthday ni Geoff sa darating na linggo.
"It's his birthday this coming Sunday so may dinner for him with friends and family. We'll be there, mag-a-attend ako ng birthday niya," paliwanag nito. -- FRJ, GMA News