Aljur Abrenica, nag-sorry sa mga nasaktan sa naging isyu nila ni Geoff Eigenmann
Matapos maglabas ng kaniyang saloobin, humingi ng paumanhin ang Kapuso hunk na si Aljur Abrenica sa mga nasaktan niya kaugnay ng naging isyu sa kanila ng kapwa Kapuso actor na si Geoff Eigenmann. Sa ulat ni Aubrey Carampel sa "Chika Minute" ng GMA news "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing masayang nagdiwang ng kanyang advance birthday celebration si Aljur kasama ang mga bata mula sa World Vision. Basahin: Aljur Abrenica rants about respect Tuwang-tuwa ang mga bata na makita si Aljur na naghandog pa ng awitin. Ayon sa aktor, ito raw ang paraan niya para makapagbalik ng mga biyaya na kaniyang natatanggap kabilang na ang sirenaserye na "Kambal Sirena," na katambal niya si Louise delos Reyes. Nitong Miyerkules ng gabi, napanood na si Aljur bilang si Kevin na isang theme park owner. Kasunod nito ay magtatagpo na rin ang karakter nina Aljur at Louise na si Perlas para mag-apply ng trabaho sa pag-aaring ocean park ng binata. Basahin: Louise delos Reyes, aminadong may kilig sa mga eksena nila ni Aljur Abrenica Sa kaniyang kaarawan sa Lunes, sinabi ni Aljur na may taping siya at hindi makakasama ang nobyang si Klyie Padilla na kasalukuyang nasa Australia. Gayunman, tiniyak ni Aljur na maayos at nananatiling natatag ang relasyon nila ng dalagang anak ni Robin Padilla. Humingi rin ng paumanhin si Aljur sa mga nasaktan niya sa mga nabitiwan niyang salita sa gitna ng isyu nila ni Geoff, na umano'y pumorma kay Kylie nang magkasama ang dalawa sa nagtapos na seryeng "Adarna." Basahin: Carla Abellana, nagsalita sa Kylie-Aljur-Geoff 'issue' Ayon kay Aljur, nagkausap na sila ni Geoff at nagkaayos na bilang magkaibigan. Dahil magkasunod ang karawan nila ni Geoff na magdiriwang naman ng kaarawan sa Linggo, nagbigay ng mensahe si Aljur para sa kapwa Kapuso actor. "Happy birthday bro... Best gift na maibibigay ko sa kaniya is prayer," ani Aljur. -- FRJ, GMA News