Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gov. Vilma, tinikman ang suman-Batangas with a twist ni Chef  Boy


First time na-meet ni Chef Boy Logro ang Star for All Season na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto. Kaya naman nagdala ng special dessert si Chef  Boy na produkto rin ng mga Batangeño -- ang kanilang suman.  Alamin ang naging reaksyon ni Ate Vi.
 


Dahil magsasagawa ng taping para sa kaniyang Kapuso cooking show sa Batangas si Chef Boy, nagbigay-pugay ito sa gobernadora ng lalawigan na si Gov. Vilma.

Ayon kay Chef Boy, matagal na niyang pangarap na makadaupang-palad ang actress-turned-politician.

Dala ang ginawa niyang Taal suman with a twits na nilagyan niya ng cornflakes at simple caramel sauce, tinikman ito ni Ate Vi. 

Nagustuhan kaya ng maybahay ni Sen. Ralph Recto ang inihandang panghimagas ni Chef Boy? Panoorin ang video. -- FRJ, GMANetwork.com
LOADING CONTENT