ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Miriam Quiambao, ikinasal na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ikinasal na ngayong Martes ang dating beauty queen na si Miriam Quiambao sa boyfriend niyang writer na si Ardy Roberto Jr.

Sa "Chika Minute" ng GMA news "24 Oras," sinabing bakas ang saya sa dalawa nang ikasal nitong Martes ng hapon sa Tagaytay.

Isang blooming and radiant bride si Miriam sa kanyang white gown.



Sa Instagram, makikita ang garden wedding na pinaghandaan nang husto ng newlyweds.

Kabilang sa celebrity couples na ikinasal ngayong taon ay sina Karylle at Yael Yuzon, at sina Drew Arellano at Iya Villania  — FRJ, GMA News