ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dennis Trillo, bakit nga ba nag-post ng mga larawan ni Katarina Rodriguez?


Naging usap-usapan kamakailan sa social media ang pagpo-post ni Dennis Trillo ng pictures ni Asia's Next Top Model finalist Katarina Rodriguez sa Instagram. Ano nga ba ang real score sa kanila?

Sa "Chika Minute" ng GMA news "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing may bagong maipagmamalaki ang Pilipinas matapos makapasok ang dalawang Pilipina sa top 3 o ang final round ng prestihiyosong "Asia's Next Top Model."

Maliban kay Katarina, nakapasok din sa finals ang kababayan niyang si Jodilly Pendre, na tinaguriang "levitating princess" sa kompetisyon.

Ang Malaysian na si Sheena Liam ang ikatlong nakapasok sa finals, at malalaman sa April 9 kung sino sa kanilang tatlo ang mananalo.

Hindi nga makapaniwala sina Katarina at Jodilly sa suportang natatanggap nila mula sa mga kababayan at fans abroad.



Pati ang mga artista, humanga sa kanilang ganda at talento sa modelling. At kamakailan lang, mainit na naging usap-usapan sa social media kung ano ba ang real score kina Katarina at Kapuso hunk Dennis Trillo.

Sa Instagram account kasi ni Dennis, ilang beses siyang nag-post ng pictures ni Katarina. Kaya may nagtanong tuloy kung nililigawan ba niya o mag-on sila ng dalaga.

Pero paglilinaw ng Kapuso leading man," Filipino pride, so talagang sobrang proud lang kami na nakapasok sila sa Top 3."

Masaya naman si Katarina sa ibinigay na pansin sa kaniya ni Dennis. Pero hindi pa raw sila nagkikita o nagkakilala in person.

"Thank you so much Dennis I appreciate it... and I know you voted for me," masayang pagbati ni Katarina, sabay biro na, "maybe if you win you get a lunch with me." -- FRJ, GMA News