ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Carla Abellana, nilinaw ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Geoff Eigenmann


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nilinaw ni Carla Abellana na hindi third party ang naging dahilan para wakasan ang apat na taon nilang relasyon ni Geoff Eigenmann.

Sa naging panayam ng "Startalk" kay Carla, sinabi ng aktres na sadyang marami lang silang pagkakaiba ni Geoff pagdating sa kaugalian at paniniwala.

Habang ikinukuwento ang dahilan ng kanilang paghihilaway ni Geoff, hindi napigilan ng aktres na maging emosyunal.

"We don't share the same values. Mas madalas kami hindi nagkakasundo kaysa nagkakasundo. So mahirap kasi for me it was the small things talaga...we were too different talaga na mas nagka-clash kami," anang aktres.



Sakabila ng lahat, nagpasalamat pa rin ang ang aktres sa lahat umano ng naitulong sa kaniya ng dating boyfriend.

Ang mga pinagdaanan daw niya sa buhay ang naging dahilan para maging mas matatag siya ngayon kasama ang kaniyang pamilya.

At kahit hindi siya nagkatuluyan, umaasa pa rin si Carla na magiging maayos ang samahan nila ni Geoff.

Bago ang pag-amin na hiwalay na sila ni Geoff, nauna nang sinabi ni Carla na dumadaan sa pagsubok ang kanilang relasyon pero umaasa siyang maayos ito.

Kasunod nito ay na-link na si Geoff kay Kylie Padilla nang magkatambal ang dalawa sa dating primetime series na "Adarna."

Ang naturang isyu ay hindi naman ikinatuwa ng nobyo ngayon ni Kylie na si Aljur Abrenica.
Pero kamakailan lang ay sinabi ni Aljur na nagkausap at nagkaayos na sila ni Geoff. -- FRJ, GMA News