ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bakit umiyak si Ryzza Mae at napaluha naman si Bossing Vic?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagdiwang ng kaniyang kaarawan nitong Lunes ang nag-iisang "bossing" sa telebisyon na si Vic Sotto. Sa kanilang show na "Eat Bulaga," may espesyal na regalo sa kaniya ang anak-anakan niyang si Ryzza Mae Dizon.

Sa ulat ng GMA news "Balitanghali" nitong Martes, sinabing binigyan ng "Aling Maliit" na si Ryzza ng special trophy si Vic bilang kaniyang -- "best actor, best comedian at best dad!"

Malaki raw kasi ang naitulong ni Vic sa career ng child star na guminhawa ang buhay mula nang manalo sa "Little Miss Philippines" contest ng "Eat Bulaga."



At ang birthday wish ni Ryzza kay Vic: "Bossing wish ko po sa inyo tumagal pa po nang tumagal ang buhay niyo na 300 years old po."

Sa naturang programa, ibinigay din ni Ryzza kay Vic ang ginawa niyang bracelet. May binasa rin siyang sulat na tinawag ni Bossing na self-serving dahil kasama rito ang request ng child star na magpatalo siya kapag naglalaro sila ng "bato-bato pick."

At dahil na rin sa udyok ng mga audience na "iiyak na 'yan!," napaiyak na nga si Ryzza habang nagpahid naman ng luha si Vic. -- FRJimenez, GMA News