ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Hollywood actor Josh Bowman sa Palawan: 'If I die there it will be great'


Balik-Pilipinas ang Hollywood star na si Josh Bowman na bida sa hit American television show na "Revenge." Sariwa pa nga raw sa alaala ng aktor ang pagpunta niya sa Palawan noong nakaraang taon na tinawag niyang "langit at paraiso."
 
Sa ulat ng Starbites ng GMA news "Saksi" nitong Lunes ng gabi, sinabing kasamang dumating ni Josh sa bansa ang kaniyang real life sweetheart na si Emily Van Camp.



Mahal na mahal daw ni Josh ang kaniyang mga Pinoy fans.

Si Emily ay nakilala sa show bilang si Emily Thorne na ginamit ang rich kid na si David Grayson, o ang character ni Josh, para maghiganti.

Ayon kay Josh,  paborito niya ang dried mangoes ng Pilipinas at gusto rin niyang tikman ngayon ang sinigang.

Sariwa pa nga raw sa kanyang alaala ang bakasyon niya sa Palawan last year na itinuturing niyang paraiso at lugar na gusto niyang mag-retire.

"I was here year ago. We went to Palawan island which was paradise...heaven, yah, if I die there it will be great," natatawa niyang kwento. -- FRJimenez, GMA News