Isabelle Daza, aminadong malakas kumain pero bumabawi sa workout
Very sexy si Isabelle Daza nang humarap sa press sa launching ng ineendorso niyang intimate apparel line. Nakipagsabayan pa siya sa ilang modelo sa pagrampa, suot ang sexy lingerie.
Sa "Chika Minute" ni Aubrey Carampel sa GMA news "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing nagagawa ni Isabella na panatilihing sexy ang figure kahit malakas siyang kumain.
Bilang bahagi ng paghahanda niya sa commercial at print ad ng iniindorsong lingerie, workout at no carbs daw sa diet ang ginawa niya for two weeks.
Ayon sa aktres, naging mahirap daw ito para sa kaniya dahil aminado siyang malakas kumain.
Medyo nadagdagan pa nga raw ang kanyang timbang matapos ang holy week vacation sa Australia kasama ang non-showbiz boyfriend niya.
Pero kahit malakas kumain, nababawi naman daw niya ito sa pamamagitan ng workout at tuloy-tuloy din ang kaniyang triathlon.
Nakatakda raw siyang lumipad sa Hawaii para sumali sa Ironman-Hawaii.
Matapos manalo bilang New Movie Actress of the Year sa PMPC Star Awards, ang Best Actress Award naman ang nasungkit niya sa EB Dabarkads Awards para sa pagganap niya sa isa sa Lenten drama specials ng "Eat Bulaga!"
May gagawa rin siyang pelikula kasama ang GMA Primetime King na si Dingdong Dantes, ang "Kubot: The Aswang Chronicles." -- FRJ, GMA News