Filtered By: Showbiz
Showbiz

Nora-Vilma rivalry, nabuhay sa labanan sa acting awards ng Urian


Nabuhay muli ang tunggaliang Nora Aunor at Vilma Santos.

Kapwa nominado ang dalawang batikang aktres sa Best Actress category ng 37th Gawad Urian ngayong taon.

Ang Superstar na si Nora, nominado sa pagganap niya sa pelikulang "Mabuti." Habang sa pagganap naman sa pelikulang  "Ekstra" nominado ang Star For All Seasons at Batangas governor na si Vilma.



Makakalaban nina Nora at Vilma sa naturang award ang ilan pa sa mga nominado kabilang sina Cherie Gil, Lorna Tolentino, Agot Isidro at Eugene Domingo.

Para sa Best Actor category, kabilang sa mga nominado sina Mark Gil, ang anak niyang si Sid Lucero, Joel Torre at  Ping Medina.

Ilan naman sa mga nominado sa Best Supporting Actor category sina Cesar Montano, John Arcilla, Joey Marquez, Victor Basa, Carlo Aquino at Yul Selvo.

Kasama naman sa mga maglalaban-laban sa Best Supporting Actress category sina Angel Aquino,  Raquel Villavicencio, Jasmine Curtis-Smith, Mitch Smith at Ruby Ruiz.

Malalaman ang mga magwawagi sa 37th Gawad Urian sa Hunyo 17. -- FRJimenez, GMA News
LOADING CONTENT