ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Doña Nena Vera-Perez ng Sampaguita Pictures, pumanaw na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pumanaw na nitong Miyerkules ng madaling-araw  si Azucena "Nene" Vera-Perez, ang matriarch ng Sampaguita Pictures, at itinuturing isa sa mga halagi ng Philippine film industry.

Sa "Chika Minute" ng GMA news "24 Oras," sinabing kinumpirma ni Manay Gina de Venecia ang pagpanaw ng kaniyang ina na kilala rin sa tawag na "Mama Nena" at "Doña Nena."

Ngayong Miyerkules gabi ilalagak ang mga labi ni Doña Nena sa Mount Carmel church sa Quezon City.



Sa Linggo naman ay nakatakda siyang ihatid sa huling hantungan.

Ang Sampaguita Pictures ang isa sa mga kinikilalang premyadong film studios sa bansa.

Una rito, ibinalita ni German "Kuya Germs" Moreno sa dzBB radio ang pagpanaw ni Doña Nena.

Emosyunal na ipinaalam ni Kuya Germs na malaki ang utang na loob niya kay Doña Nena na nagbigay sa kaniya ng break sa showbiz nang nagsisimula pa lamang siyang mag-artista. -- Joel Locsin/LG/FRJ, GMA News